Kinakaila[ngan]

Hindi ko inasahang aabot ako sa ganito.
Malungkot pa rin ako, oo, lalo na kapag nagkikita tayo.

Pinipilit kong isipin na hindi na masakit.
Pero may mga bagay na mas sasakit kung panay ang pagpilit.

Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na ako’y titigil na,
Tapos na ang mga panahong sa bawat salita mo ako’y aasa,

Ngayon sa isang bagong damdamin ako nakabaling,
Damdamin rin kaya niya’y babaling sa akin?

Kahit ano yatang gawin ko, wala na.
‘Wag na lang kaya, tigilan ko na?

Matagal na akong niloloko ng puso ko,
Pero ang katotohanan, ang utak ko ang gago.

Sinabi ko noon, mamahalin kita sa paraang alam ko.
Pero ang katotohanan, ano nga ba ang alam ko?

Bukod sa pagsulat nang mga ganitong dibuho,
May mararating pa ba ang mga salita kong ito?

Kailanma’y hindi dadalhin ng ihip ng hangin,
O maging nang mga ulap sa papawirin,

Maging nang mga umiindak sa saliw ng tugtugin,
Ang puso kong ikaw lang ang iibigin.

Advertisements

Author: marlapapas

The girl your mother warned you about.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s