Literary

Ako Nalang

Ako ang nagsimula,
Ako na rin siguro ang tatapos.

Wala kang kasalanan,
Pero mayroon kang kinalaman.

Hindi ito maitatanggi,
O maikukubli.

May mga pagmamahal na buo,
Pero walang panukli.

Wala nang babalikan,
Wala na ring aasahan.

Walang pagtataguan,
Wala ring pagsidlan.

Galit, saya, luha o ligaya
Saan babaling ang pusong walang kasama?

Mabilis ang mga pangyayari,
Mistula itong liwanag

Sa loob ng isang iglap
Hindi manlang nakakurap.

Ang akala kong tatagal
‘Yun pala’y saglit lang,

‘Yung akala ko’y akin na,
Akin lang palang hiniram.

Kung may pagmamahal na buo
Ngunit walang panukli

Kailan magiging patas ang mali?

Ako nalang ang mag-aabono,
Makakaalis ka na.

Ako na ang magbibigay,
Pero hindi na uulit pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s